-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihambing ni Police Col. Ysmael Yu, deputy regional director for operation ng Police Regional Office 1 na isang sugal ang pagbebenta ng iligal na paputok dalawang araw bago ang New Year’s Day.

Aniya, magagaling ang mga nagbebenta ng iligal na paputok dahil lihim nilang ibinebenta sa kagustuhan nilang kumita na gaya sa iligal na sugal na ginagawa sa hindi nakikitang lugar.

Ayon kay Col. Yu, labag sa batas ang mga gawain na ito ngunit ginagawa nila ang lahat para makapagbenta ng iligal na paputok.

Naniniwala ito na gagawin pa nila ang pagbibigay ng suhol sa mga otoridad na alam nilang manghuhuli sa kanila.

Sinabi ni Col. Yu na dito naman maiipit ang mga pulis at kung huhuliin sila ay magbabanta naman ang mga negosyante.

Inamin na karamihan lamang ay nakukumpiska ang mga iligal na paputok at walang idinedemanda sa mga nagbebenta ng iligal na paputok.

Dagdag ng opisyal na mapapanatili ang matiwasay na kapaligiran, ang pagbibigay proteksiyon sa publiko at peace and order ay kung 100 porsiento ang patutulungan ng publiko at kumunidad.