-- Advertisements --
Muling ipinagbawal ng South Africa ang pagbebenta ng mga nakakalasing na inumin para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Ito ang panibagong restrictions na ipinapatupad ng kanilang gobyerno.
Kasama sa nasabing restrictions ay ang pagsasagawa ng curfew tuwing gabi at ang pagsusuot ng face mask tuwing nasa labas.
Ayon kay President Cyril Ramaphosa, na ang pagbabawal ng pagbili at pagbenta ng alak ay makakabawas ng pressure sa mga health workers.
Mahalaga ang nasabing pagbabawal ng pagbenta ng alak para maiwasan ang domestic violence at malayo ang mga tao na magtipontipon.
Unang ipinatupad ang nasabing pagbabawal sa pagbili ng alak ay noong tatlong buwan na ang nakakalipas.