-- Advertisements --

Nilinaw ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na hindi kasama ang pagbili ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) o sa Department of Agriculture (DA) sa itinuturing na social services ng poll body. Kasunod ito ng pag-apruba ng komisyon na maaari pa ring magbenta ng NFA Rice sa mga Local Government Units (LGUs) kahit na pumasok na ang campaign period o 45 na araw bago ang halalan.

Ngunit sinabi ni COMELEC Chairman Garcia na kung ang local government unit ay mamimigay na ng libreng bigas mula sa pagbili sa NFA o ahensya ng agrikultura, ito na ang kailangan na kumuha ng exemption mula sa komisyon upang matiyak na hindi maaabuso ang pamamahagi at magamit ito sa pamumulitika. Kung hindi makakakuha ng exemption at namahagi pa rin, maaaring humantong ang involve na kandidato sa diskwalipikasyon.

Kaugnay pa nito, tiniyak din ni Garcia ang publiko na hindi sila magiging hadlang sa mas murang bigas para sa mga Pilipino.