-- Advertisements --

BAGUIO CITY-Isinusulong sa lungsod ng Baguio ang pagkakaroon ng 10 porsiyentong diskwento sa mga panindang sanitary napkins sa bawat buwan ng Mayo kasabay ng pagdiriwang ng World Menstruation Health Day.

Iminungkahi ng isang konsehal sa lunsod ang panukala bilang bahagi ng pagsuporta ng Pilipinas sa obserbasyon ng International Menstrual Hygiene Day.

Batay sa panukala, mahaharap sa karampatang parusa ang mga may-ari ng mga tindahan na hindi magbibigay ng diskwento sa mga bibili ng sanitary napkins.

Kapag naipasa na ang ordinansa ay maaaring bumili ng 60 pirasong sanitay napkins ang isang babae at ito ay mabibigyan ng diskwento.