Pormal nang itinigil ng Bureau of Immigration ang pagbibigay ng arrival sticker sa Immigration e-gate ng mga paliparan sa bansa.
Ang naturang sticker ay unang ibinibigay sa mga foreign passengers na pupunta sa Pilipinas at maging mga dumadaan sa electronic o e-gates sa mga Paliparan.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang hakbang na ito ay layong pabilisin at gawing mas efficient ang proseso ng arriving passengers.
Dito kasi ay madalas nagkakaroon ng mahaba at siksikan na pila sa mga e-gate ng paliparan.
Ayon naman kay BI Spokesperson Dana Sandoval, na bibilis na sa walo hanggang 15 minuto ang proseso ng mga pasaherong dumaan sa e-gate sa mga airport sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Sandoval na papalitan na ng email confirmation ang naturang sticker na siya namang matatanggap ng mga pasahero.