-- Advertisements --

Ipagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibigay ng perang ayuda o pagpapa-raffle ng mga kandidato sa pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa halalan.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ipagbabawal ito dahil ito ay isang uri at itinuturing na vote buying.

Ipagbabawal aniya ang pagbibigay ng anumang halaga sa mga tagasuporta para hikayatin bomoto ang mga ito.

Kahit na sabihin daw ng mga kandidato na para sa ibang dahilan ang kanilang pagbibigay ng ayuda ay alam naman aniya ng lahat na ito ay para sa vote-buying purposes.

Hinikayat naman ni Jimenez ang mga indibidwal na makakasaksi ng naturang iligal na gawain na agad na maghain ng reklamo at ituloy ito upang mabigyan ng kaukulang aksyon ng mga kinauukulan.

Magsisimula ang 90-day campaign period para sa mga tatakbo sa national elections sa February 8, habang ang 45-day campaign period naman para sa local aspirants ay magsisimula sa March 25.

Samantala, sinabi pa ni Jimenez na kailangang tanggalin ng mga kandidato ang lahat ng mga nauna nang naka-post na mga campaign materials kabilang na ang malalaking poster at billboard sa mga kalsada sa oras na magsimula na ang campaign period dahil labag aniya ito sa mga alituntunin ng komisyon.