Aprubado na bilang batas ang pagbibigay ng buwanang honoraria para sa mga Sangguniang kabataan (SK) officials.
Ito ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte noong MAyo 6 sa Republic Act No. 11768 na nag-aamyenda sa probisyon na nakapaloob sa Sanggunian Kabataan Reform Act of 2015.
Sa ilalim ng naturang batas, ang lahat ng SK members kabilang ang treasurer at secretary ay dapat na makatanggap ng buwanang honorarium sa katapusan ng bawat regular monthly Sk meeting sa kondsiyon na hindi lalagpas sa 25% ng pondo na nakalaan para sa SK at hindi din lalagpas sa compensation na natatanggap ng SK chiarperson.
Maaari ding magbigay ang local government units ng karagdagang sahod at social welfare contributions at hazard allowance sa SK chairperson at iba pang elected at appointed members ng youth council sa pamamagitan ng mga lokal na oridinansa.
Nakasaad din sa naturang batas na ang mga SK members ay entitled din para sa civil service eligibility base sa taon ng kanilang pagseserbisyo para sa mga barangay.
Ilan pa sa mga benepisyong nakapaloob sa naturang batas para sa SK officials ay ang exemption mula sa National Service Training Program, maaring maexcused mula sa klase kapag dumadalo sa isang regular o special SK meetings at speial Sangguniang Barangay sessions at entitled din na mabigyan ng pamahlaan ng Philhealth.
Minamandato din ng bagong batas ang bawat SK na magtalaga ng kanilang secretary at treasurer at magtakda ng schedule ng regular meetings at Katipunan ng Kabataan assemblies sa loob ng 60 araw pagkaupo sa pwesto.
Inatasan din ang mga SK members na lumikha ng isang 3 year rolling plan na tinatawag na Comprehensive Barangay Youth Development Plan.