-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na ang School-Based Feeding Program (SBFP) ay iniakma upang masakop ang buong school year.

Ito ay upang matulungan ang mga Filipino learners na mapataas ang kanilang performance sa paaralan

Sinabi ni DepEd Undersecretary Michael Poa na mas malaki ang alokasyon ng budget para sa School-based feeding program ngayong taon.

Aniya, inilahad din ng DepEd ang mga programa at hakbangin nito kaugnay sa kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral.

Binanggit ni Poa na mayroong food stamps para sa mga pamilya, lalo na sa unang 1,000 araw.

Mayroon ding supplementary feeding program na pinondohan ng DSWD at pinalawig sa mga daycare program.

Una nang sinabi ni Poa na nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa iba pang ahensya, tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa naturang feeding program.