Naipasa na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang pagbibigay ng Filipino citizenship kay Ateneo de Manila University center Ange Kouame.
Ayon kay Deputy Speaker Roberto V. Puno ang may akda ng House Bill 8632 na may malaking tsansa na tuluyang ng maipasa ang nasabing panukalang batas.
Pinasalamatan niya ang kaniyang mga kasamahang mambabatas dahil sa bilis ng pagpasa ng nasabing panukalang batas.
Si Puno ay siyang vice-chairman rin ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).
Kapag aniya naipasa na ang nasabing panukalang batas ay malaki ang pag-asa ni Kouame na maging bahagi ng Gilas Pilipinas.
Naglaro sa Ateneo Blue Eagles si Kouame na siyang naging susi sa pagkamit nila ng kampeonato noong UAAP Season 82 men’s basketball tournament noong 2019.
Nakamit din nito ang Rookie of the Year award noong 2018.
Ang Ivory Coast native ay mayroong average na 12.5 points, 11.9 rebounds at 3.86 blocks per game.