-- Advertisements --

Magkakaroon na ng medical allowance ang mga qualified civilian government employee.

Ito ay kasunod ito ng pag apruba ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa Budget Circular 2024-06 na naglalaman ng guidelines, rules and regulations para sa pagbibigay ng medical allowance simula ngayong taong 2025.

Ayon kay Pangandaman, ito ay pagtupad sa naging pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatulong sa pagkuha ng HMO sa kanilang health-related expenses.

Ang medical allowance ay nagkakahalaga ng P7000.00 kada taon. Pwede itong ibigay na HMO-type product coverage o cash para sa mag aavail ng sariling HMO-type benefit.

Ayon sa DBM, sakop dito ang mga civilian government personnel ng National Government Agencies kasama ang mga local state universities and colleges, government-owned and controlled corporation na hindi sakop ng RA 10149, anuman ang kanilang appointment status, maging sila man ay regular, casual, o contractual; appointive or elective; at ang full-time o part-time basis.

Kasama rin ang mga empleyado mula sa local government unit mga local water districts.

Binigyang diin ni Pangandaman na ang medical allowance ay hindi lang benepisyo kundi isa ring mahalagang investment para masiguro ang kalusugan ng mga manggagawa at matiyak na magagampanan nila ang kanilang trabaho nang buong husay.