-- Advertisements --

Binigyang diin ng Department of Agriculture ang pangangailangan na mabigyan ang kagawaran ng police power para mahuli at makasuhan ang mga smugglers sa bansa.

Giit ni Agriculture Undersecretary Fermin Dantes Adriano kung nais aniya na mabigyan ng ngipin ang departamento laban sa smuggling , dapat na mabigyan ng kapangyarihan ang ahensiya na makapagfile ng kaso at mahuli ang mga sumgglers.

Sa ngayon kasi limitado ang kanilang magagawa sa ilalim ng batas kung saan umaasa ang ahensiya sa Bureau of Custom na siyang may authority dito.

Paliwanag pa ng opisyla na ang mga smuggled products ay iniaalok sa mas murang halaga dahil sa mababang production at delivery cost.

Samantala, sinabi ni Adriano na nagsasagawa na ng imbestigasyon para matrace ang umano’y sabwatan ng technical smugglers sa kanilang hanay.