KORONADAL CITY – Sinimulan na ang pagsasagawa ng psycho-social intervention sa mga biktima ng lindol sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Ginalyn Delasan, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tulunan sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Delasan, mula Martes hanggang Byernes ang schedule ng psycho-social intervention program sa ilang barangay sa kanilang bayan.
Kabilang umano sa mga mangunguna ng nasabing program ang mga estudyante galing sa Ateneo de Davao, University of Southern Mindanao, mga professional, Department of Social Welfare and Development o DSWD at lokal na pamahalaan ng Tulunan.
Magbibigay umano ang mga ito ng trauma healing, spiritual inspirations, play theraphy, counseling, stress debrifing, feeding program at maging medical outreach sa mga apektado ng lindol sa kanilang bayan.
Sa ngayon, ipinasiguro ng lokal na gobyerno ng Tulunan na sapat ang tulong na dumadating sa para sa mga biktima ng sunod-sunod na lindol na sumentro sa kanilang lugar.