-- Advertisements --

Inihalintulad ni US President Joe Biden ang pagbili ng kaniyang bansa ng 500 milyon doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer bilang pagsali ng US sa World War II.

Sinabi nito sa panahon ng kaguluhan ay laging tumutulong ang America.

Ikinumpara pa nito ang donasyon ng US sa ginagawang donasyon ng China at Russia dahil walang anumang kapalit ang pagbili ng Estados Unidos ng kalahating bilyong doses ng Pfizer.

Nasa United Kingdom ngayon ang US president para dumalo sa G7 Summit.