-- Advertisements --

NAGA CITY- Kritikal umano ang patuloy na pagbibilang ng resulta sa 2020 US Presidential Election.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Virgie Contreras mula sa Calafornia, USA, sinabi nito na sa kasalukuyan ay nangunguna si Democrat Presidential Candidate Joe Biden kumpara sa katunggali nito na si US President Donald Trump.

Ngunit dagdag pa nito, crucial aniya ang sitwasyon dahil ang natitirang mga battleground states kagaya na lamang ng Alaska, Michigan, Pennsylvania, North Carolina at Georgia ay tila pabor kay Trump.

Dahil aniya dito, malaki pa rin ang tsansa ni Trump na manalo sa pagkapresidente.

Sa kabila nito, nilinaw ni Contreras na marami pa umano ang hinihintay na resulta mula sa mail in ballots.

Samantala, aniya ang naturang datos ay partial at unofficial return pa lamang kung kaya hindi pa rin maaaring isara ang naturang bilangan.