-- Advertisements --

Tinanggap na ni Pope Francis ang pagbibitiw sa puwesto ni San Pablo, Laguna Bishop Buenaventura Famadico.

Nagbitiw ang nabanggit na obispo dahil na rin sa problema sa kaniyang kalusugan.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nagdesisyon si Famadico na magbitiw sa puwesto dahil sa pagkaka-ospital niya noong nakaranag mga linggo dahil sa sakit sa puso.

Ipinalit naman ng Santo Papa si Bishop Mylo Hubert Vergara ng Pasig bilang apostolic administrator sede vacante ng diocese sa probinsiya ng Laguna.

Si Vergara muna ang siyang tatayong mamumuno sa diocese ng San Pablo hanggang wala pang napipiling bagong papalit sa nagbitiw na obispo.