Tinanggap ni Pope Francis ang maagang pagbibitiw ni Bishop Emmanuel Trance sa pastoral governance ng Diocese of Catarman sa Northern Samar province.
Nagbitiw si Trance, limang taon bago ang mandatoryong edad ng pagreretiro na 75 para sa mga obispo.
Kasabay nito, hinirang ni Pope Francis si Auxiliary Bishop Nolly Buco ng Antipolo bilang apostolic administrator ng diyosesis hanggang sa maitalaga ang bagong obispo.
Ang pagbibitiw at appointment ay inihayag sa Vatican nitong Biyernes ng alas-12:00 ng tanghali o 7:00 ng gabi sa Pilipinas.
Inorden para sa Archdiocese ng Jaro noong 1978, si Trance ay hinirang na coadjutor na obispo ng Catarman noong Mayo 2004.
Siya ay naordenahan na obispo noong Hulyo 22 ng parehong taon.
Nanguna si Trance sa pamumuno ng diyosesis pagkatapos ng pagreretiro ng unang obispo ng Catarman, ang yumaong si Angel Hobayan, noong Marso 10, 2005.
Si Buco, sa kabilang banda, ay itinalaga naman bilang auxiliary bishop ng Antipolo noong Hulyo 2018.
Naordinahan siya bilang pari para sa Antipolo noong 1993, ang canon lawyer ay itinalagang obispo noong Setyembre 2018.