-- Advertisements --

Bukas na ang opisyal na pagbaba ni United Kingdom Prime Minister Theresa May sa kanyang pwesto bilang lider ng Conservative Party ngunit mananatili itong prime minister ng bansa hanggang sa makapili na ng papalit sa kanya.

Dalawang linggo na ang nakararaan nang ianunsyo ni May ang kanyang pagbibitiw sa pwesto matapos ang bigong paghahain nito ng Brexit deal.

Labing-isang Conservative Members of the Parliament ang nagnanais na palitan si May bilang party leader lalong na sa pagiging prime minister.

Magsisimula ang nominasyon bandang 10:00 BST sa Lunes at magsasara ito ng 17:00 BST sa parehong araw.

Nakatakda nang tuluyan na kumalas ang UK sa European Union noong March 29 ngunit naurong ito ng Apriln 12 hanggang sa naging October 31 kasunod ng hindi pag-apruba ng MP sa kanyang Brexit deal.

Habang inihahayag ang kanyang pagbibitiw, sinabi nito na ginawa na niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang hikayatin ang MP na suportahan siya sa withdrawal deal, Nakipag-usap na rin ito sa European Union ngunit ayon sa kanya oraw na raw para ang bagong prime minister naman ng bansa ang magtuloy ng kanyang laban na sinimulan.

Kinakailangan ng tig-dalawang MP na susuporta sa bawat kandidato. Saka boboto ang MP kung sino ang napupusuan nila gamit ang pagsulat ng pangalan ng mga kandidato sa isang secret ballot na gaganapin sa Hunyo 13, 18, 19 at 20.