-- Advertisements --
(Updates) DAVAO CITY – Nagpatupad ngayon ng mahigpit na polisiya sa pagbibigay ng relief goods sa Makilala, North Cotabato matapos ang pagkalason sa 30 mga bakwit sa ibinigay na pagkain sa evacuation centers.
Nabatid na nadala sa hospital ang mga pasyente matapos makaranas ng pananakit ng kanilang tiyan matapos kumain ng nilagang baboy at kanin.
Maliban sa pananakit ng kanilang tiyan, nagsuka at nagtatae rin ang mga apektadong residente sa Barangay Patulangon at Malabuan sa Makilala.
Ayon kay acting Vice Gov. Shirlyn Macasarte Malabuan-Villanueva sa North Cotabato, nagpalabas na sila ng kautusan na temporary muna nila na i-ban ang pagbibigay ng hot meal o pack lunch sa mga bakwit para maiwasan ang kaparehong insidente.