-- Advertisements --
Pinag-aaralan ngayon ng Department of Agriculture ang pagbili at pagbebenta ng murang lokal na karneng baboy sakaling hindi bumaba ang presyuhan nito sa mga pamilihan sa bansa.
Layon ng hakbang na ito na magkaroon ng pagpipilian ang mga mamimili.
Sa kasalukuyan ay mataas pa rin ang presyo kada kilo ng baboy sa mga merkado.
Ito ay sa kabila ng pagpapatupad ng ahensya ng maximum suggested retail price para dito.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, sakaling matuloy ang plano ay mangunguna ang Food Terminal Inc. sa pagbili at pagbebenta nito ng abot-kaya.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa ngayon sa 20% ng 170 na minonitor na pwesto ang sumusunod sa MSRP