-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters kasabay ng direktibang pag-decommission na sa buong fleet ng Huey helicopters ng Philippine Air Force (PAF).

Ito ay kasunod ng nangyaring pag-crash ng Huey helicopter sa Bukidnon noong nakaraang buwan na ikinasawi ng pitong miyembro ng sundalo.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, isa ito naging direktiba ni Pangulong Duterte kagabi sa isinagawang Cabinet meeting.

Ayon kay Sec. Nograles, gusto sana ni Pangulong Duterte na bumili ng 55 bagong helicopters pero naging 15 na lamang dahil sa kinakaharap na COVID-19 pandemic na labis na pinagkakagastusan sa ngayon.

Hindi rin matiyak ni Sec. Nograles kung kakayaning mabili ang mga bagong helicopters sa loob ng natitirang dalawang taon ni Pangulong Duterte sa panunungkulan.

“We have only one remaining budget to be discussed, which is the budget for 2022. Given these realities and limitations, siyempre we had to temper kung ano yung makakayanan lang po natin,” ani Sec. Nograles.