Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang pagbili ng aabot sa 40 units ng fast patrol craft.
Ito ay nakakahalaga ng aabot sa P25.8 billion at pinondohan sa pamamagitan ng official development assistance mula sa gobyerno ng France.
Kabilang rin sa assistance mula sa France ay Integrated Logistics Support at mga kagamitan para sa base ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang naturang proyekto ay alinsunod sa layunin ng pamahalaan na palakasin ang maritime security at iangat ang kakayahan ng PCG.
Magagamit rin ang mga sasakyang pandagat na ito para maharang at mapigilan ang smuggling at illegal na mga aktibidad.
Tiniyak naman ng administrayong Marcos Jr. na buo ang kanilang suporta sa modernisasyon ng mga assets ng bansa.
Layon nitong masiguro ang seguridad ng mga maritime territories ng Pilipinas.