-- Advertisements --

Inaayos na sa ngayon ng Department of National Defense (DND) ang pagbili ng pamahalaan ang anim pang offshore patrol vessels (OPV) na gawa ng Australian Austal na nakabase sa Cebu.

Sinabi ng kalihim na sakaling matuloy ang procurement, “maganda ito para sa ekonomiya ng siyudad dahil maraming mga Pinoy ang magkakaroon ng trabaho.”

Umaasa si Lorenzana na mapipirmahan na ang kontrata para sa mga bagong OPVs bago magtapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte.

frigatepn2

“We will procure, ang nasa forefront ng procurement is the Australian Austal diyan sa Cebu, meron silang branch na gumagawa din ng barko so kung matuloy yun maganda rin yan sa ekonomiya dahil maraming makikinanabang na mga Pilipino, it will generate employment,” pahayag pa ni Lorenzana.

Ayon kay Sec. Lorenzana, asahan din ang pagdating pa ng mga bagong barko ng Philippine Navy bilang bahagi ng kanilang modernization program.

Bukod sa mga bibilhing OPVs target din ng Philippine Navy na dagdagan ang kanilang corvete vessels at mga maliliit na gagamitin pang inter-island na gagamitin sa pagpapatrulya sa karagatan at dalawa pang landing dock vessel (LDS).

Giit ng kalihim sa sandaling mabili na ng pamahalaan ang anim na OPV at dalawang corvete, maaaring ng tawaging “credible” na ang Philippine Navy.

“We need this (LDS) for HADR natin, kasi dito pwede nating gawing hospital merong helicopter so anything you can do in rescue operation and ito kasi hindi masyado to pang giyera,” wika pa ni Lorenzana.

Nitong araw opisyal ng na-commission sa serbisyo ang ikalawang frigate ang BRP Antonio Luna.

Malaki ang kahalagahan ng nasabing frigate lalo na sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea.