Malaking tulong sa military operations ang pagbili ng Defense department sa anim na Brazilian A-29 light attack helicopters.
Ito ang inihayag ng Department of National Defense (DND).
Kinumpirma ng Department of National Defense (DND) na magkakaroon ng anim na brandnew Embraer A-29 “Super Tucano” light attack aircraft ang Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay Defense Spokesperson Dir. Arsenio Andolong na ang nasabing light attack helicopters ay nakatakdang ideliver sa taong 2019 at kapag dumating na ito sa bansa ang PAF 15th Strike Wing ang siyang mag mantene ng mga nasabing aircraft.
Binigyang-diin ni Andolong na ang A-29 light attack helicopters ay durable, versatile at highly advanced aircraft na na capable na mag carry out ng wide range of missions.
Dagdag pa ni Andolonmg na kayang mag-operate ng mga nasabing aircraft lalo na sa mga unimproved runways.
Ang 15th Strike Wing ay naka base sa Sangley Point, Cavite City na siya ring operator ng lahat ng Air Force’s ground attack aircraft kabilang ang Rockwell OV-10 “Bronchos” bomber plane.
Inanunsiyo din ni Andolong na ang Brazilian aircraft manufacturer Embraer Defense and Security ang napiling supplier ng DND para sa anim na brandnew close air support aircraft (CASA) na nagkakahalaga ng P4.96 billion.
Kukunin ang nasabing pondo sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Act Trust Fund.
Inihayag din ni Andolong na mayroon ng ipinadalang “Notice to Proceed” for the supply and delivery ng anim na light attack helicopters.