Maaari pa rin umanong pabilisin ng mga ahensya ng gobyerno ang pagbili sa mga produkto at serbisyo para sa COVID-19 response kahit na mapapaso na sa Disyembre 19 ang Bayanihan to Recover as One Act.
Sa isang memorandum, sinabi ni Rowena Candice Ruiz, executive director ng Government Procurement Policy Board (GPPB) na ito ay sa pamamagitan ng negotiated procurement na walang public bidding.
Mayroon din aniya hanggang Sabado ang mga procuring agencies para mag-isyu ng notice of award para sa kanilang mga binili sa ilalim ng Bayanihan 2.
Kabilang na rito ang supply deals sa mga lokal na kompanya sa ilalim ng domestic preference policy para sa mga COVID-19-related goods.
“Emergency procurement covers goods, civil works projects, and consulting services,” saad sa memo.
Una nang pinalawig ng Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na deklarasyon ng national state of calamity dahil sa COVID-19 crisis.