Tuloy na ang pagbili ng pamahalaan ng mga armas sa bansang China, ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na lagdaan ngayong araw ng presidente ng China Poly Group Corporation na si Zhengao Zhang ang isang letter of intent to deal.
Ang Poly technologies ay isa sa malaking firearms exporter firm ng China.
Ayon kay Lorenzana wala pa sa pinirmahang letter of intent ang mga partikular na equipment o armas na maaring bilihin ng Pilipinas.
Ang iba’t ibang service commands ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang magdedesisyon sa kung anong mga armas o equipment ang bibilhin sa China.
Iginiit pa ni Lorenzana na walang problema kung manggaling na sa China ang mga armas ng AFP dahil pare pareho lang naman daw ang mga armas ngayon at maari namang sundin ng Poly technologies kung ano ang nais ng AFP na mga specifications.
Sa ngayon kasi halos lahat ng armas na ginagamit ng AFP ay gawa at galing sa Estado Unidos.
Pagtiyak ng Defense chief na hindi nakakaapekto sa training at doktrina ng AFP ang pagbili ng armas sa China dahil ito ay dahil kakaiba aniya ang training ng mga sundalong Pinoy sa training Chinese forces.