-- Advertisements --

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na lalo pang mapapalakas ang kapabilidad ng mga pulis sa pagsugpo sa mga street crimes lalo na ang mga riding-in-tandem criminals sa sandaling magkaroon na ng mga dagdag at mga bagong motorsiklo ang Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Ysmael Yu malaking tulong sa PNP Highway Patrol Group ang planong pagbili ng Pangulong Rodrigo Duterte ng mga motorsiklo para sa mga miyembro ng PNP.

Sinabi ni Yu malaki ang role ng PNP HPG sa anti-crime campaign ng PNP kaya kung madagdagan ang kanilang mga kagamitan hindi malayong magiging epektibo ang mga ito sa kanilang trabaho.

Dagdag pa ni Yu, welcome sa PNP ang nasabing hakbang dahil ang mga HPG personnel ang magsisilbing mata ng PNP sa mga kalye.

Sa ngayon may mga pulis na naka plain clothes ang naka deploy sa field at ito ay bahagi ng social investigation mechanism na ipinatutupad ng PNP.