-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Nilimitahan na rin ng mga drugstores sa Europa ang bilang ng mga gamot at vitamins na maaring bilhin ng mga customers habang umiiral ang lockdown dahil sa banta ng corona virus disease (COVID-19).

Sa panayam ng bombo radyo, sinabi ni Marlon Lacsaman, secretary general ng migrante Europe na limitado lamang hanggang 20 piraso ng gamot o bitamina ang maaaring bilhin ng isang tao.

Nangangamba rin ang grupo mga undocumented pinoy workers na hindi makabili ng mga pangunahing pangangailangan sakaling ipatupad sa bahagi ng europa ang cash card system kung saan tanging ang mga mayroong kaukulang papeles lang ang maaaring mag-avail nito.

Dahil dito, inihayag ni Lacsamana na nakikipag-ugnayan sila sa mga religious group at iba pang grupo ng mga Pinoy sa europa para makagawa ang mga ito ng mga kaukulang hakbang para matulungan ang mga kababayan na labis na apektado ng banta ng nakakahawang sakit.

Iginiit niya na kailangang buhayin ang bayanihan para maayudahan ang mga kababayan na labis na apektado ng paghinto ng trabaho ng maraming pinoy sa bahagi ng Europa dahil sa banta ng COVID-19.