BAGUIO CITY – Tiniyak ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) na magpapatuloy ang pagbili sa mga kagamitan ng pulisya sa Cordillera Administrative Region.
Ayon kay PROCOR regional director Police Brigadier General R’win Pagkalinawan, bahagi ito ng pagsuporta ng PNP sa operasyon ng pulisya sa Cordillera.
Aniya, mula nang maging director ito ng PROCOR ay kanyang tinutukan ang pagbili sa mga espesyal at makabagong kagamitan ng pulisya.
Tiwala ito na magiging bentahe sa mga pulis ang mga bagong kagamitan sa kanilang pagsasagawa ng operasyon.
Nakabili na ang PROCOR ng iba’t-ibang kagamitan tulad na lamang ng red dot tactical scopes, medium and long-range sniper scopes, thermal scopes, night-vision goggles, light-emitting diode flashlights at binoculars.