-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Mas pinalakas pa ng National Food Authority (NFA) Region I ang procurement ng palay sa mga magsasaka.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay NFA regional Director Jaime Hadlocon, sinabi nito na nasa P20.70 per kilo ang presyo nila para sa dried palay.

Hindi raw muna sila ngayon bumibili ng basang palay sapagkat sira ang equipment na ginagamit nila para rito.

Sinabi naman ni Hadlocon na may mga buying stations sila sa bawat probinsiya sa Region 1 kung saan dito dinadala ng mga magsasaka ang produkto nilang palay.