-- Advertisements --
duterte podium palace
Pres. Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging prioridad pa rin ang mga lokal na magsasaka sa bansa sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.

Sa kaniyang talumpati sa Candon City, Ilocos Sur, na dapat unahin ng gobyerno ang pagbili ng mga palay ng mga local farmers bago ang pag-angkat mula sa ibang bansa.

Dapat aniya na ubusin ang lahat ng mga bentang palay ng mga local farmers kahit na ito ay may kamahalan kaysa mag-angkat ang gobyerno.

Nagbiro pa ito na na kapag nagtampo ang mga magsasaka ay baka sumanib sila sa New People’s Army (NPA) mas lalog magagastuhan pa ang gobyerno.