Itinuturing ng National Security Council (NSC) bilang game changer ang pagbili ng Pilipinas ng BrahMos missile system na pinakamabilis na cruise missiles sa buong mundo mula sa India para mapalakas pa ang coastal defense ng bansa.
Ito ay sa gitna ng modernisasyon sa defense capabilities ng bansa sa pagharap ng umiigiting na agresyon ng China sa West Philippine Sea.
Una ng binati ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang kaniyang mga kasamahan para sa delivery ng supersonic missiles sa PH bilang parte ng $375 million deal na nilagdaan noong 2022.
Hindi naman kinumpirma ni Malaya kung nakarating na sa PH ang naturang BrahMos missile system.
Inilarawan naman ni Malaya na maaaring matamaan ng BrahMos missile ang target nito sa oras na pumasok ito sa exclusive economic zone ng PH.
Maalala, ang unang acquisition ng missiles ay nangyari ilang buwan bago matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang parte ng pagsisikap ng bansa na mapataas ang maritiem domain awareness capacity nito.