Tatlong Russian navy ships ang dumating sa bansa ngayong araw para sa isang goodwill visit mula October 20 hanggang October 26.
Ang tatlong barko na bahagi ng Russian Pacific fleet ay ang dalawang large anti-submarine ships na Admiral Panteleyev, at Admiral Vinogradov, at ang large sea tanker na BORIS BUTOMA.
Sinalubong ang Russian navy ships sa bahagi ng ng Corregidor island ng BRP Rajah Humabon, bago dumaong sa Pier 15, South Harbor, Manila.
Ang goodwill visit ay kasabay ng pag-turnover sa Pilipinas ng donasyong Russian military equipment na binubuo ng 5,000 unit na Kalashnikov rifle at 20 army truck sa October 25.
Kasabay din ito ng official visit sa Pilipinas ni Russian Defense Minister Sergey K Shoygu para lumahok sa 4th ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Defense Ministers’ Meeting-Plus.