-- Advertisements --

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na ang pagbisita sa Pilipinas ni US Defense Secretary Pete Hegseth ay patunay na matibay ang alyansa ng Amerika at Pilipinas.

Nakiisa si Speaker Romualdez sa mainit na pagtanggap ng bansa kay Hegseth, ang kauna-unahang pagbisita nito sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez, ang pagbisita ni Hegseth ay nangyari sa kritikal na panahon sa rehiyon at nagbibigay-diin sa pagnanais na mapanatili ang kapayapaan, katatagan, at pangingibabaw ng batas sa gitna ng mga hamon at tensyon sa South China Sea.

Ayon kay Speaker Romualdez, hindi lang tungkol sa seguridad ang pagpapatibay ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Hinikayat niya ang dalawang bansa na “move forward together, not only as allies in defense, but as partners in development – united by democratic values, inspired by common aspirations, and bound by a future we endeavor to shape together.”

Ayon sa US Department of Defense, layon ng pagbisita ni Hegseth sa Pilipinas ay upang isulong ang mga layuning pangseguridad kasama ang mga lider ng Pilipinas at makipagpulong sa mga pwersa ng US at Pilipinas.