CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuring ng city local government officials na malaking oportunidad at pambihirang pagkakataon na makaharap nito ang ilang Vatican officials na ipinapapunta ni Pope Francis sa Cagayan de Oro na sa isa mga syudad ng Mindanao region.
Ito ang dahilan na mismo si City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy ang personal na sumalubong paglapag sa Laguindingan Aiport ng Misamis Oriental sina Vatican’s Secretary of States Archbishop Paul Gallagher at Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown mula sa Imperial Manila.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng tapapagsalita ng alkalde na si Janboy Actub na isang malaking karangalan para sa taga-Mindanao partikular sa mga Kristiyano na pinili ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na isagawa ang kanilang pang-128 plenary assembly sa mismong syudad bukas.
Sinabi ni Actub na bakas sa mga mukha ng mga taga- Cagayan de Oro masaya umano ang mga ito dahil unang pagkakataon na binisita ng top Roman Catholic officials mula Roma na hindi alam kung masusundan pa ba o hindi na darating na mga henerasyon.
Magugunitang bago magsagawa ng plenary assembly ang CBCP officials sa syudad ay gagawaran muna sila ng city government sponsord dinner.
Napag-alaman na matapos sinundo ng city government sa palibaran ang Vatican officials ay Cagayan de Oro Archdiocese bishop’s house na sila nagpalipas ng gabi at kina-umagahan ay tinungo na ang CBCP archbishops na sumailalim ng holy retreat sa Malaybalay City,Bukidnon.