-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Bibisita sa bayan ng Kalibo sa kauna-unahang pagkakataon ang eight-time NBA All-Star at dating Defensive Player of the Year na si Dwight Howard sa darating na Hulyo 13, 2024.

Ayon kay Jay-ar Arante, head ng communication affairs ng LGU Kalibo na makasaysayan ang nasabing pangyayari dahil ito ang unang beses na may NBA star na bibisita sa Kalibo.

Sa pagdating ng dating Orlando Magic franchise player ay magkakaroon ito ng meet and greet at posibleng maglalaro siya upang magpakita ng ilang basketball moves.

Dagdag pa nito na pinagsisikapan ni Kalibo mayor Juris Sucro na maimbitahan si Howard sa Aklan upang mabigyan ng inspirasyon ang mga kabataan na mahilig sa basketball kung saan, gaya sa mga laro ay maipakita ang pagsisikap, tiyaga at hindi basta bastang pagsuko sa anumang hamon sa buhay.

Nabatid na si Dwight Howard ay naging import din ng Pilipinas sa ilang international basketball tournament na sinalihan.