-- Advertisements --
Kinansela ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ang nakatakdang pabisita nito sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kanilang nirerespeto ang naging desisyon ng Japanese Prime Minister.
Patuloy aniya kasama ng Pilipinas ang Japan sa paglaban sa COVID-19 kaya suportado nila ang desisyon ito ni Suga na ipagpaliban ang pagdalaw sa bansa.
Nakatakda sanang bumisita sa bansa ngayong taon si Suga kasabay ng 65th anibersaryo ng bilateral relations ng Japan at Pilipinas.