-- Advertisements --

Kinansela ni King Charles at asawa nitong si Queen Camila ang nakatakda sanang state visti nila sa Vatican.

Kasunod ito sa naging payo ng doctor ni Pope Francis na kinakailangan niya ng dagdag na pahinga.

Sa Abril 7 sana ang biyahe ng British royals sa Vatican at personal na makakasalamuhan sana ang 88-anyos na Santo Papa.

Ang nasabing plano ay itinakda ilang linggo bago ang tuluyang pagka-ospital ng Santo Papa noong Pebrero 14.

Dahil dito ay nagpaabot na lamang si King Charles ng agarang paggaling para kay Santo Papa.