-- Advertisements --
bilibid 1

Hindi muna pahihintulutan ng Bureau of Corrections ang pagbisita sa New Bilibid Prison maximum security compound sa Muntinlupa City hanggang Hunyo 9, 2023.

Ito ang inanunsyo ng liderato ng BuCor sa isang pahayag nang hindi binabanggit o tinutukoy ang dahilan sa likod ng naturang suspensyon.

Ayon sa Bureau, manatili na lamang na umantabay sa kanilang mga susunod pang mga pahayag para sa iba pang anunsyo.

Kung maaalala, una nang sinuspinde ng BuCor ang pagbisita sa mga preso nito sa NBP at Correctional Institution for Women nang dahil sa paglaganap ng COVID-19 infections sa mga inmates at personnel nito.

-- Advertisement --