-- Advertisements --

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga residente at pulitiko ang anunsyo ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na mag-re-resign ito bago pa man ang eleksyon ngayong taon.

Ayon kay Bombo Tess Peteers, Bombo International Correspondent sa New Zealand, burnout ang dahilan ng 42-anyos na prime minister sa pagbitaw sa pwesto matapos ang lima at kalahating taon na panunungkulan.

2017 nang umupo si Ardern bilang prime minister at sa edad na 37, siya ang third female leader ng New Zealand at isa sa youngest leaders sa buong mundo.

Naniniwala rin ang New Zealanders na wala itong kinalaman sa pamununo ni King Charles III bilang bagong head of state hindi lamang sa New Zealand kundi sa 13 na ibang mga bansa.

Una rito, naiuugnay ang resignation ni Ardern sa pagbitaw rin ng former prime minister ng United Kingdom na si Liz Truss at sa umano’y humihinang British monarchy.

Ayon pa kay Peeters, sa kabila kasi ng global political star status ni Ardern, may lumalabas na opinion polls kung saan nakasaad na ang personal popularity ni Ardern ay nasa lowest umano mula nang ma-elect ito sa pwesto at mababa rin ang approval sa performance ng kanyang partido.

Una na umanong kinwestyon sa bansa ang cost-of-living crisis, national fears sa crime, at backlog ng election promises sa ilalim ng kanyang panunungkulan.