-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Naging mas mahigpit ang monitoring sa pagbiyahe ng mga buhay na hayop at mga meat products sa lalawigan ng Abra.
Ayon sa Abra Provincial Veterinary Office, bahagi ito ng food safety measure ng lalawigan para sa mas magandang estado ng livestock at sa kalusugan ng mga residente.
Dahil dito, ipinagbabawal na ang pagbiyahe sa mga hayop at sa mga karne na walang health certificate at shipping permit.
Kailangang maisailalim ang mga meat products sa national meat inspection service at kailangan ding magpakita ng meat inspection certificate ang mga vendors.