ROXAS CITY – Naging bukas si Capiz 1st District Representative Emmanuel Tawi Billones Sr., sa kanyang desisyon na pagboto ng Yes with reservation sa House Bill No. 6875 o Anti-Terror Bill.
Ayon kay Billones pabor ito sa nasabing panukala dahil malaki ang maitutulong nito sa pagsugpo sa mga rebeldeng grupo na matagal ng kaaway ng gobyerno.
Maliwanag rin ayon sa kongresista na target ng panukala ang legal front ng communist group.
Samantala aminado si Congressman Billones na may ilang probisyon sa nasabing panukala na hindi siya pabor katulad na lamang ng warrantless arrest at pagpakulong sa mga pinaghihinalaang rebelde sa loob ng 20 araw.
Matandaan na lusot na sa third and final reading sa Kamara ang Anti-terror bill matapos na 173 nagboto ng YES, 31 ang NO at 29 ang nag-abstain.