CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng Consultative Meeting ang lokal na pamahalaan ng Alamada, Cotabato kasa ang Tourism Development and Promotion Unit office upang talakayin ang muling pagbubukas ng mga tourism sites sa bayan.
Kung matatandaan, pansamantalang ipinagbawal ng LGU-Alamada ang pagpasyal sa mga kilala nitong tourist destinations dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.
Dito, tinalakay ang magiging panuntunan at safety protocols na ipapatupad sa pagbubukas ng mga tourism sites.
Pinaaalalahanan naman ng LGU-Alamada ang mga may-ari ng ilang mga tourism-related establisment na kumuha ng Certificate of Authority to Operate sa Municipal IATF for COVID-19 upang pahintulutan ang kanilang operasyon.
Ilan lamang sa mga kilalang tourism sites sa Alamada ay ang Asik-Asik Falls sa Barangay Dado, Tent City at Cuartel de Campo Diez sa Brgy. Rangayen, Pampag Eco Park sa Kitub-Bao at iba pa.