-- Advertisements --

Tiwala ang Manila City government na kayang maihabol sa buwan ng Disyembre ang pagbubukas ng “Bagong Manila Zoo”.

Halos araw-araw daw ay binibisita ni Manila Mayor Isko Moreno ang kasalukuyang renovation sa Manila Zoo.

Bukod sa mga hayop na makikita sa nasabing zoo ay naglagay rin ang city government ng mga golf carts na gagamitin ng mga may edad na papasyal sa lugar.

Dahil sa nasabing bagong features ay mas lalong mapapaigting ang bonding ng magkakamag-anak lalo na ang mga may edad na.

Target kasi ng Manila City government na gawing “Family friendly tourist spot” ang zoo kung saan maglalagay ang mga ito ng museums at ilbang mga attractions.

Kasabay din nito ay tiniyak ng Manila City government na wala silang sinira o pinutol na mga punongkahoy sa pag-renovate ng bagong Manila Zoo.

Prioridad kasi aniya ng city government ang kahalagahan na kalikasan kaya hinayaan nila ang mga punongkahoy na manatili sa zoo.