-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Samut-sari ang reaksyon ng mga mamamayan sa pagbubukas ng Baguio City sa mga turista mula Luzon, kabilang na ang Metro Manila mula Oktubre 22.

Ayon sa mga mamamayang naghayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng Bombo Radyo, posibleng magresulta ang nasabing programa sa lalong pagkalat ng COVID-19.

Itinuturing naman ng ilan bilang “anti-poor” ang programa dahil ang mga mayayaman lamang ang may kayang mamasyal sa lungsod dahil sa dami ng mga requirements.

Hindi rin sang-ayon ang ilan sa bahagi ng programa kung saan bawal manuluyan ang mga turista sa kanilang mga kamag-anak dito sa lungsod dahil kailangang sa mga hotels ang mga ito manuluyan.

Batay sa guidelines, hindi na kailangang ma-upload ang itinerary at booking confirmation ng mga turista at maaaring sila na mismo ang magpa-book ng akomodasyon sa mga hotels.

Limitado lamang sa 200 turista ang papayagang makapasok sa lunsod sa bawat araw at kailangan pa ring maisailalim ang mga ito sa COVID-19 test.

Tiniyak ng DOT at ng Baguio LGU na mahigpit na ipapatupad ang mga health protocols sa mga turista.