-- Advertisements --

Wala pang katiyakan kung kailan magbubukas ang pantalan sa Baltimore matapos ang pagbagsak ng tulay ng ito ay mabangga ng cargo ship.

Ayon kay Maryland Gov. Wes Moore , na prioridad nila ngayon ang pagsagip sa mga nahulog na mga crew.

Dahil sa insidente ay iikot muna sa East Coast ports ang ilang mga barko habang sarado pa ang Baltimore port.

Magugunitang mayroong anim katao ang pinaghahanap matapos maputol ang tulay ng mabangga ito ng barko.

Nasagip na ng otoridad ang dalawang iba pa na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.