LEGAZPI CITY – Posibleng payagan na ng Inter Agency Task Force ang pagbubukas ng biyahe ng mga pampublikong transportasyon papasok at palabas ng Bicol region sa Disyembre 11.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DILG Bicol Director Atty. Anthoy Nuyda, sumulat na ng resolution ang Bicol IATF sa national IATF may kinalaman sa pagbubukas ng biyahe ng mga provincial bus.
Kaugnay nito kailangan rin na magpalabas ng guidelines ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) may kinalaman sa naturang hakbang.
Subalit tiyak na limitadong bilang lang mga pampublikong sasakyan ng papayagan na makabyahe upang maiwasan ang transmission ng COVID-19.
Ayon kay Nuyda, nilalayon ng naturang hakbang na makauwi ang mga indbidwal na matagal ng stranded sa Metro Manila at makasama ang pamilya sa pagdiriwang ng kapaskuhan.