Kinumpirma ni Education secretary at Vice President Sara Duterte na tuloy na sa darating na August 22, 2022 ang pagbubukas ng face-to-face classes para sa school year 2022-2023.
Ito ay sa kabila ng panawagan ng ilang mga grupo na ilipat sa buwan ng September ang pagbubukas ng klase.
.Sa panayam kay VP Sara kaniyang sinabi na aprubado na ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, kaya tuloy na ang pagbubukas ng klase.
Una ng tinutulan ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang pagbubukas ng pasukan sa susunod na buwan dahil kailangan ng mga guro na makapagpahinga para maghanda sa coming school year.
Magugunita na nagtapos ang classes for the school year 2021-2022 noong June 24, at patuloy na nagrereport para maghanda sa nalalapit na pasukan.
Binigyang-diin din ni Duterte na kahit anupaman ang alert level status sa kanilang mga respective areas ay lahat ng public and private schools sa basic education level ay dapat magpatupad ng in-person classes five days a week simula Nov. 2, sa ilalim ng Department of Education’s (DepEd) Order No. 34, series of 2022.
Ayon sa pangalawang pangulo ang DepEd at si Pang. Marcos ay bukas sa anumang discussions kaugnay sa problema sa enrollment bunsod ng mandatory in-person classes policy.
Giit pa ni VP Sara, hindi required ang vaccination sa mga estudyante na dadalo sa physical clasess kaya hindi dapat magkaroon ng “segregation and discrimination” sa mga unvaccinated learners.