-- Advertisements --
Maantala ng isang linggo ang pagbubukas ng French Open ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa French Tennis Federation (FFT) na ito ang kanilang napagkasunduan matapos ang ginawang pagpupulong.
Unang itinakda kasi ang laro sa Mayo 17 hanggang Hunyo 6.
Dahil dito ay may bagong petsa na ito na gaganapin na sa Mayo 28 hanggang Hunyo 13.
Nagpatupad kasi panibagong lockdown ang France dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.