Tanging ang bansang Pilipinas at Venezuela sa buong mundo ang hindi pa nagbubukas ng mga paaralan lalo na sa face-to-face classes dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa United Nations Children’s Fund, nakatakda ng magbukas ang mga paaralan ng Kuwait, Bangladesh at Saudi Arabia ngayong buwan.
Sinabi ni Isy Faingold, ang namumuno sa education world ng UNICEF-Philippines na dapat gawin ang pagbubukas ng klase ng may matinding pag-iingat.
Kinakailangan ng dahan-dahan at voluntary basis ang pagbubukas.
Nararapat daw na kumuha ang Pilipinas ng ideya mula sa ibang bansa.
Inihalimbawa nito sa Kuwait na bubuksan na ang in-person classes sa 1,460 schools habang sa piling grade levels lamang magbubukas ang klase sa Bangladesh.
Sa Saudi Arabia naman ay tanging mga mag-aaral na naturukan na ng dalawang dose ng bakuna ang papayagang pumasok.
Magugunitang magsisimula na ang school year sa Pilipinas sa darating na Setyembre 13 kung saan gagawin itong online at modular type.