-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagsasaayos ng Manila City government sa Manila Zoological and Botanical Garden ang dating Manila Zoo.

Ayon kay Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na target nilang mabuksan ito sa araw ng Lunes Nobyembre 21.

Magiging bukas ito mula alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Mayroong bayad na P150 para sa mga taga Manila at P300 naman sa mga hindi taga Manila.

Habang ang mga estudyante ng Maynila ay sisingilin ng P100 at P200 naman sa mga hindi taga Maynila na Estudyante at mabibigyan naman ng 20% discount ang mga senior citizens.

Libre naman makakapasok ang mga batang edad 2 pababa sa 62-anyos na Manila Zoo.

Ilan sa mga makikita ay ang animal museum, botanical garden, butterfly garden at mga hayop gaya ng 40-anyos na elepanteng si Mali at Siberian white tiger na si Koi.

Magugunitang isinara noong 2019 ang Manila Zoo dahil sa pagtagas ng mga dumi mula sa Manila Bay at nagkaroon ng soft opening nito noong Disyembre dahil sa ginamit bilang lugar ng pagpapabakuna ng lungsod laban sa COVID-19.